Saturday, February 5, 2011

CIA ...totoo ba o chika lang???


HOY, TOTOO BA ‘yung kina Veteran Actress at Politician Scandal? As in CIA daw meaning Caught in the Act?
“Hindi totoo!”
“Hmph! Totoo daw, eh!”
“Sino’ng nagsabi?”
“’Yung friend ko, na tv host sa isang talk show.
“Nakita ba nu’ng tv host?”
“’Yun ang sabi. ”
“Hindi nga totoo.”
“Totoo daw, eh!”
“Magtatanong ka, tapos, ayaw mong maniwala. Eh, ‘di paniwalaan mo ‘yung alam mo para hindi na tayo mag-away!”
“Pero totoo ba?’
“Oo, totoong makulit ka, potah ka!”
Bat ganon ang ibang tao, ‘no? Nagtatanong. Sinagot mo. Ayaw maniwala sa ‘yo. Igigiit ‘yung nalalaman niya. Oh, eh, ‘di ganu’n naman pala, ba’t nagtatanong pa?
Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin. Pero nasaan ang ebidensiya? Me nakakuha man lang ba na picture o video sa celfone? Wala namang maipakita.
Saan din bang location nakita? Ang sabi, sa headquarters daw sa isang location shooting. Tapos, ang latest naman, sa dressing room raw. Ano ba talaga, Kuya?
Common sense, kahit may mga ganitong eksena eh baka naman kasama lang sa teleseryeng ginagawa ang nakita ng host.

So, kung ito’y gawa-gawa lang, hanep naman ang nag-imbento nito. Parang “love bug” virus na sumira ng maraming computers.
Sa kulit nga ng mga taong nagtatanong na hindi kuntento sa sagot naming hindi totoo, igigiit pa rin talaga nila.
Isang buwan ng umiikot ang tsikang ito. Na kahit pinabulaanan na, pinag-uusapan pa rin. Nilinaw na sa GNN (Global News Ngayon at pati sa The Who, ayaw pa ring maniwala ng iba.
Kaya nga kahapon, may nagtanong sa amin, “Totoo ba ‘yong kina Veteran Actress at Politician?
Ang sagot lang namin para manahimik na, “NapaSUBO lang po!”
Analysis namang ng isang friend namin, sa pangyayaring ito. Balitang patay malisya lang ang veteran actress sa balitang nag Sing Along siya kasama ang politician. Ang mahalaga totoo man o hindi ang chika...chika pa rin. Kung sino man ang veteran actress tanging siya na lamang ang makakaalam kung sino siya...ang politician mananatiling politician. Wag pasakitin ang ulo sa kaiisip dahil kahit matapos na ang teleserye ng Global...di ko talaga sasabihin kung sino siya. Peace everyone!

Wednesday, February 2, 2011

KACHURVA'S KIMERALD BAGAY???

KIMERALD-|KAPAMILYA NETWORK
KIMERALD-KATCHURVA NETWORK
Since nalalapit na ang pagtatapos ng Teleserye ng Kachurva Network. Lahat ay nagaabang kung ang loveteam na Kimerald ng Kachurva ay pang teleserye lang o pang true to life. Balibalita na may totoong prince charming si Kim at any time soon ay pwede silang magkita ulit. At ang Gerald naman bagamat may mga junakis na eh handang handang maging seryoso kay Kim. Well sa tingin ko mas ok ang chemistry nila ni Gerald ng Kachurva meaning ok ang combination ng Hawi at Tweetums. Kung sila nga ang magkakatuluyan for real eh abangan na lang natin ang susunod na kabanata sa pagitan ng dalawa. Pero since hindi pa umaamin kung sino talaga ang KIMERALD ng Kachurva ayan     ang mega clue. Sila ung nasa picture, mananatiling question mark ang nakalagay sa mga fez nila hanggang di nila nire-reveal kung sino sila. Till next time folks!

Sunday, January 30, 2011

KA-FEZMUK DAW?


                             KA-FEZMUK DAW?

Dahil usong uso na talaga ang ka-fezmuk. Kahit nasaan ka pa at kahit sino ka pa di maiiwasang ihanap ka ng ka-fezmuk. Nakakatuwa kasi instant celebrity ka kapag may ka-fezmuk ka. Bidang bida dahil siguradong paguusapan ka. Kaya eto pa ang  isa na may ka-fezmuk (daw?)... Sabi nila na ito daw ang ka-fezmuk ng supervisor ng Global. Hmmmm sipatin nating maigi, wag matakot mag-react. Ang lahat may karapatang magbigay ng opinion. Smile nila hmmmm check pareho nga. Smile nila....hmmmm check pareho nga. Smile nila....hmmmm check pareho  nga. Para sa iba pang resemblance kayo na ang humusga.
                                                                   

Saturday, January 29, 2011

KA-FEZMUK

 
KA-FEZMUK?

                             

Flash News: 

Since usong uso ang Ka-FEZMUK… tama ba ako na ang ating kachurvang si Fernando ay ka-fezmuk ni Andrew E.?
Sa nalalapit na pagtatapos ng samahan natin sa Global… magsisilabasan na ang mga Ka-churva stars na may Ka-FEZMUK.
Paalala lang ulit, ang mga bagay na lumalabas sa kachurva ay wag seryosohin mapa-blind items, da who at ka-fezmuk. Para lamang ito sa ating kasiyahan para mas maging maganda ang samahan. Palaging tandaan saglit lang ang pagsasama natin sa Global, mas magiging maganda kung lahat ay magkakasundo at magkakaibigan. Ang pikon daw ay laging talo, at ang masayahing tao maraming kwento. Basta mapa totoo man o kwentong kutchero…ang importante lang maging Masaya tayo.
KEEP SMILING FOLKS!!!